Kinalampag ng Human Rights Watch (HRW) ang Philippine National Police (PNP) para sa umano’y ‘undercounting’ o mas mababa ang naitala kesa sa aktwal na bilang ng mga nasawi sa anti-illegal drug operations mula ng umupo sa pwesto ang Marcos administration noong June 30.
Sinabi ni HRW Deputy Asia Director Phil Robertson na nasa nakapag-monitor sila ng nasa 127 deaths mula July 1 hanggang November 7 na mas mataas kumpara sa 46 na naitala ng PNP sa parehong period.
Ayon sa grupo, nais na palabasin ng PNP sa nangyaring mga pagpatay sa war on drugs campaign ng gobyerno na “very minimal” lamang ang bilang ng drug war deaths sa bansa simula ng inagurasyon ni Pangulong Marcos Jr.
Sinabi din noon ng Pangulo na nais nitong magpokus sa rehabilitasyon ng mga drug suspect subalit sinabi ng grupo na walang ebidnsiya na nagpapakita na gumawa ng aksiyon ang mga awtoridad para maisakatuparan ang naturang hakbangin.
Una ng iniulat ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr na nasa 46 drug suspects ang napatay sa mahigit 18,500 police operations simula ng manungkulan ang Marcos administration habang may 22,000 drug suspects ang naaresto.