Katatapos lamang sa ngayon ang isinasagawang Human Rights Summit 2020 ng Department of Justice (DoJ) ngayong araw.

Ito ay sa pamamagitan ng Administrative Order Number 35 (AO 35) na nagsimula dakong alas- 9:00 hanggang alas-9:30 kanina via zoom conference.

Unang nagbigay ng welcome message si Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sinundan naman ng keynote speech ni Secretary of Justice Menardo Guevarra.

Nagbigay din ng kanilang mga mensahe ang AO 35 Inter-Agency Committee members at closing message mula sa United Nations Resident Coordinator Gustavo González.