-- Advertisements --
Hinikayat ni Vice President Leni Robredo ang sambayanang Pilipino na ipaglaban ang kanilang karapatang pantao, lalo na para sa mga mahihirap, dahil crucial umano ang papel na ginagampanan nito ngayong nasa gitna ng health crisis ang bansa.
Ayon kay Robredo, mas naging relevant ngayon ang pakikipaglaban para sa karapatang pantao ng bawat isa kahit pa bahagya itong pinahirap ng COVID-19 pandemic.
Sa kaniyang naging mensahe para sa paggunita ng International Human Rigths day, sinabi ng bise-presidente na ang pagtatanggol sa karapatan ng bawat isa ay magiging daan para maging mapagmalasakit, may pananagutn at mabuo ang pakikipagkapwa ng taumbayan.
Lalong lalo na kung ang halaga at dignidad na ng isang indibidwal ang nakasalalay dito.