-- Advertisements --
Nagwagi ng 2023 Nobel Peace Prize award ang ikinulong na Iranian human righs activist na si Narges Mohammadi.
Ayon sa Nobel Committee chairwoman Berit Reiss-Andersen na ang 51-anyos na si Mohammadi ay kinilala dahil sa paglaban niya sa mga inaaping kababaihan sa Iran.
Dagdag pa nito na dahil sa kaniyang mga kawanggawa nagdulot pa ito ng kapahamakan sa kaniyang buhay.
Kasalukuyang tinatapos nito ang kaniyang 10-taon na pagkakakulong sa Evin prison sa Tehran.
Dahil sa nasabing award ay tiyak na maraming mga Iranians ang magdiriwang kasama ang ilang mga human rights activist sa buong mundo.
Nanawagan din si Reiss-Andersen sa mga otoridad sa Iran na pakawalan na si Mohammadi.