-- Advertisements --

Kinumpirma ng Ukraine na hindi na gumagana ang ika-anim at huling reactor ng Zaporizhzhia nuclear power station na kontrolado ng Russia.

Ayon sa state nuclear agency na Energoatom na dakong 3:41 am nitong Setyembre 11 ay na-disconnect na ang nasabing nuclear plant sa kanilang power grid.

Labis kasi na ikinakabahala ng Ukraine at kaalyadong bansa sa operasyon ng planta dahil sa patuloy na labanan doon na maaring magdulot ng pagkasira nito.

Paliwanag pa ng Energoatom na ang cold shutdown ay itinuturing na “safest state” para sa reactor.

Ang nasabing ika-anim na reactor ay nagbibigay ng kuryente sa sariling planta sa loob ng tatlong araw at ang desisyon na itigil ang operasyon nito ay nagmula ng maibalik ang external power sa pasilidad.