-- Advertisements --
Sinimulan na ng mga oil companies ang pagpapatupad ng panibagong taas presyo ng kanilang mga produktong petrolyo.
Magkakasabay kaninang ala-6 ng umaga ng ipatupad ang dagdag na P1.60 sa kada litro ng gasolina.
Mayroong pagtaas naman na P1.70 sa kada litro ng diesel at ang kerosene din ay tumaas ng P1.55 sa kada litro.
Sinabi ni Department of Energy (DOE) Director of Oil Industry Management Bureau Rodela Romero na ang isa sa mga dahilan ay ang pag-iwas ng mga oil tankers na dumaan sa Red Sea dahil sa pangambang pag-atake sa kanila ng mga Houthi rebels mula sa Yemen.