Tinamaan umano ng rebeldeng grupo ang US container ship sa may Red Sea.
Ayon kay Houthi military spokesperson Yahya Sarea na patungo noon ang barko sa “ports of occupied Palestine”, isang phrase na ginagamit minsan sa Israel.
Ito na ang pinakabagong pag-atake ng grupo mula sa yemen sa mga commercial shipping na naglalayag sa naturang karagatan.
Ang tinamaan na barko ay natukoy bilang KOI na isa umanong Liberian-flagged container ship na inooperate ng Oceanix Services na nakabase sa United Kingdom.
Matatandaan na ang fleet ng parehong kompaniya kabilang dito ang oil tanker na Marlin Luanda ay nasunog noong araw ng Sabado matapos tamaan ng missile ng Houthi rebels.
Ang pagtarget ng grupo sa lahat ng barko ng US, Britain at Israel ay kasunod ng giyera sa pagitan ng Israel at kaalyado nilang Hamas doon sa Gaza.