-- Advertisements --
image 671

Inihayag ng Deprtment of Human Settelments and Urban Development na maglulunsad ito sa taong 2028 ang gusali ng 5.5 milyong housing units sa buong bansa.

Ito ay kapos ng kalahating milyon mula sa target na 6 million housing units bago matapos ang termino ng Marcos administration.

Sa naging pagdinig ng Senate Committee on Finance sa P5.4 billion panukalang pondo ng ahensiya para sa taong 2024, sinabi ni Undersecretary Emmanuel Pineda na ang pagtaya ng ahensiya ay nagpapakita na makakapagpatayo ito ng 500,000 housing units ngayong 2023, kalahati lamang ito ng inisyal na target na 1 million kada taon sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) program.

Ibinahagi din ng opisyal na pagsapit ng 2024, tinatayang nasa 800,000 housing units ang maipapatayo, tig-1 million housing units naman para sa 2025 hanggang 2027 at 1.2 million pagsapit ng 2028.

Habang ang nalalabi pa ay matatapos aniya sa taong 2032.

Paliwanag ni USec. Pineda na kailangan pa ng panahon para sa konstruksiyon ng housing units. Ang housing units kasi na hanggang apat na palapag ay umaabot ng 8 hanggang 18 buwan para maipatayo, ang medium rise o mga gusali na mayroong 5 hanggang 10 palapag naman ay umaabot ng 18 hanggang 36 na buwan at ang high rise o mayroong 10 hanggang 30 palapag ay inaabot ng 36 hanggang 48 buwan.

Samantala, sinabi naman ng opisyal na hihingi sila ng tulong mula sa mga mambabatas para ma-institutionalize ang programa kabilang ang planong interest subsidies para sa mga mahihirap na pamilyang Pilipino.