-- Advertisements --

Pinasalamatan ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III si House Committee on Justice chair Gerville Luistro at ang iba pang miyembro ng House of Representatives dahil sa kanilang pamumuno at dedikasyon, lalo na sa pangunguna ng Justice Committee sa mga pagdinig kaugnay ng impeachment.

Nitong Lunes, inaprubahan ng komite ang ulat na may kalakip na resolusyon na naglalaman ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Dy ang kanilang panunumpa na tiyakin ang transparency at accountability o pananagutan sa pamahalaan.

Isinusulong din ng lider ng Kamara ang pagpasa ng Anti-Political Dynasty bill at ipinahayag ang suporta sa KALINGA Act of 2026, na layong palakasin ang kabuhayan, tugunan ang inflation, at patatagin ang ekonomiya.

Dagdag pa niya, mahalaga ring paigtingin ang mga hakbang para sa energy security at pagpapatibay ng pundasyon ng bansa, kasabay ng panawagan na maipasa ang Anti-Political Dynasty bill upang mapalakas ang tiwala ng publiko sa gobyerno.