Humihiling ang Department of Justice (DOJ) at attached agencies nito ng kabuuang P46.435 na pondo para sa 2027.
Ang P46.435 billion budget ng ahensiya ay katumbas ng humigit-kumulang 0.68% ng P7.2-trilyong proposed national budget para sa 2027.
Batay sa opisyal na report ng DOJ, naging maganda ang performance ng ahensiya nitong nakalipas na taon, at kailangan muli ng sapat na pondo sa susunod na taon para masiguro ang tuloy-tuloy na magandang serbisyo nito.
Batay sa report ng ahensiya, umabot sa 99.12% ang disposition rate ng National Prosecution Service noong 2025, habang 90.84% naman ang prosecution success rate.
Sa kabila nito, ilang attached agencies ng DOJ ang nakatakdang makatanggap ng mas mababang pondo, kabilang ang Bureau of Immigration at National Bureau of Investigation.
Maging ang pondo para sa anti-trafficking, anti-cybercrime, paglaban sa online sexual exploitation ng mga bata at corrections program ay bahagy ring nabawasan.
Sa naturang usapin, ang dating P19 milyon, na panukalang pondo para sa compensation ng mga biktima ay naging P8 million na lamang.
Sa kasalukuyan, inisiyal nang nasuri ng House Committee on Appropriations ang panukalang pondo ng ahensiya para sa 2027.















