Sa pagdiriwang ng House of Representatives ng “HREP Month” ngayong buwan ng Oktubre, itinampok ni House Speaker Martin Romualdez ang kahalagahan ng kahalagahan ng mind and body wellness sa mga empleyado ng Mababang Kapulungan.
Sa talumpati ni Speaker kaniyang binigyang-diin na kaniyang sinisiguro na matignan ang kalagayan ng mga empleyado na siyang pinakamahalagang asset na dapat mabigyan ng magandang working environment.
Ayon kay Romualdez, upang matugunan ang holistic wellness and development needs ng mga empleyado may inihandang mga sports, health and wellness activities ang Kamara bilang paggunita sa HREP Month.
Pagtiyak ni Speaker sa kaniyang liderato may magagandang plano siya para sa mga empleyado at determinado sila na pangalagaan ang kapakanan ng mga ito.
Sinimulan ngayong araw ang isang buwang pagdiriwang upang gunitain ang anibersaryo ng House of Representatives na may temang “Isang Bahay, Isang Tinig.”
Itinampok naman sa unang araw ng HREP Month ang mga laro para sa mga empleyado tulad ng paggawa ng banner, MX HRep at cheering competition.
Nagpahayag din si Romualdez ng buong suporta sa panukala ni House senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos na magpapahusay sa kakayahan ng HRep staff, kabilang ang mga miyembro ng Kamara, opisyal, sekretariat at empleyado ng kongreso.
Magtatampok din ang HRep Month ng sports fest at iba pang aktibidad sa mga darating na araw.