-- Advertisements --

Agad na tumugon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa kautusan ni Transportation Secretary Vince Dizon na patawan ng preventive suspension ang Solid North Transit Incorporated (SOLID NORTH ).

Kasunod ito sa madugong karambola sa Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) na ikinasawi ng 10 katao.

Kabilang sa mga nasawi ang apat na bata habang 37 naman ang sugatan at itinakbo sa pagamutan.

Makakatanggap naman ng tig-P400,000 na tulong mula sa gobyerno ang mga kaanak ng mga nasawing biktima.

Base sa kapulisan na nakaidlip umano ang bus driver kaya nabangga niya ang mga nakapilang sasakyan sa toll gate.