Hindi na kailangan pa ng Kamara na mag-apruba ng concurrent resolution para bigyan ng National Telecommunications Commission (NTC) ng provisional authority ang ABS-CBN sa oras na mapaso ang prangkisa nito sa Mayo.

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na sapat nang maglabas ng kahit notice ang House Committee on Legislative Franchises Committee sa NTC a sinimulan na nila ang proceedings para sa franchise renewal application ng ABS-CBN para hindi mahinto ang operasyon ng naturang kompanya.

Nauna nang sinabi ng chairman ng komite na si Palawan Rep. Franz Alvarez na may memorandum of understanding ang NTC at Kamara noong 1994 na nagsasabing maari pa ring ituloy ng mga operators ang kanilang operasyon basta pending sa Kongreso ang kanilang franchise renewal application.

Ayon kay Cayetano, kung sa simula pa lamang ay ayaw na nilang i-renew ang prangkisa ng ABS-CBN dapat ay hindi na nila sinimulan pa ang proceedings para rito at kaagad na ibinasura ang mga nakabinbin na panukalang batas.

Kasabay nito ay binigyan diin ng lider ng Kamara na papanindigan nila ang pangakong hindi ipapasara ang ABS-CBN.

-- Advertisement --