-- Advertisements --

Magkasalungat ang opinyon ng mga kongresistang bumubuo sa Minority bloc patungkol sa apela ni Labor Sec. Silvestre Bello III sa gobyerno ng Germany at UK ng suppy ng COVID-19 vaccines kapalit umano ng deployment ng mga Pilipinong health care workers.

Sa isang statement, sinabi ni Minority Leader Joseph Stephen Paduano na hindi naman ibinibenta ni Bello ang mga healthworkers ng Pilpinas kundi “leverage” lamang para sa resources ng bansa.

Mali aniya na inaakusahan si Bello na ibinibenta nito ang mga Pilipinong frontliners dahil ang iniisip lamang din ng kalihim ay ang kapakanan lang din naman ng publiko.

“In this time of difficulty when the supply of the needed vaccines are hard to find, we need to leverage our resources to our advantage,” ani Paduano.

“Walang masama sa ginawa ni Sec. Bello. He is actually helping the government produce the much needed vaccines to protect our people” dagdag pa nito.

Samantala, sa isang pulong balitaan, inilahad nina ACT-Teachers Party-list Rep. France Castro at APEC Party-list Rep. Sergio Dagooc ang kanilang pagkabahala sa naging apela ni Bello.

Naniniwala naman si Iloilo Rep. Janette Garin na maganda ang layunin ni Bello subali hindi aniya panahon para ipatupad ito sa ngayon.