-- Advertisements --

Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na nagpadala na sila ng notice sa office ng napatalsik na mambabatas na si Arnolfo Teves.

Ayon kay Velasco kaninang umaga ipinadala ang notice kung saan ipinapaalam ang naging desisyon ng plenaryo kung saan 265 lawmakers ang bumoto pabor sa kaniyang pagpapatalsik bilang house member.

Natanggap na rin ng opisina ni Teves ang sulat mula sa office of the Secretary General.

Nilinaw din ni Velasco na ngayong pinatalsik na bilang miyembro ng House of Representatives si Teves, ang liderato ng Kamara ang siyang mag desisyon kung sino ang maging caretaker sa distrito na binakante ni Teves.

Kung maalala nuong nagsimulang mag absent si Teves ay si Speaker Martin Romualdez ang caretaker.

Dagdag pa ni Velasco, ibakante na rin ng mga staff ang opisina ni Teves, ang mga staff kasi ng congressman ay co-terminus, pero kung sila ay i-rehire ng panibagong caretaker ay wala naman itong problema.

Inihayag ni Velasco sa ngayon posibleng magtalaga na lamang muna ng caretaker sa distrito ni Mr. Teves dahil mahirap na magkaroon ng special election dahil wala ng time at resources ang Comelec.

Naimpormahan na rin ng Kamara ang Comelec hinggil sa naging desisyon ng plenaryo sa kaso ni Teves.

Ayon kay Velasco hihintayin na lamang nila ang tugon ng Comelec ukol dito.