Pinawi ng house leaders ang pangamba ng ilang mga Makabayan lawmakers na posibleng magkaroon ng singitan habang tinatalakay sa plenaryo ang RBH no. 7 na nagsusulong na amyendahan ang restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
Sa susunod na linggo tatalakayin na sa plenaryo ang RBH No.7 para maaprubahan na ito sa second reading.
Nagpahayag ng alalahanin ang mga Makabayan Bloc lawmakers na baka masingitan ng iba pang economic amendments at posibleng isama na rin ang political amendments.
Ayon kay Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, ang ilang linggong pagtalakay sa RBH No. 7 ay patunay na nakatuon lamang sa restrictive economic provision ng Saligang Batas.
Hinimok naman ni Adiong ang Makabayan Bloc lawmakers na magtiwala dahil kung ano ang napa-usapan ay lamang ang gagawin.
Giit ni Adiong na hindi tayo makakausad kung palagi na lamang may mga pagdududa.
Sa panig naman ni Quezon City Representative Marvin Rillo na malabo maisingit ang political agenda sa isinusulong na Charter Change.
Pagtiyak pa ni Rillo na siya mismo at ang iba pang mambabatas ay tatayo at tututol sakaling ipilit ang political agenda.
Dagdag pa ng Kongresista, malabo ang pahayag ng Makabayan Bloc na magkaroon ng inflation sakaling maamyendahan na ang economic charter.
Ang tototo mas magbubukas ang ekonomiya ng bansa dahil maraming mga dayuhan na ang mag invest ng negosyo, ang resulta ay magkakaroon ng maraming trabaho.
Layon din ng economic charter na hindi magkaroon ng monopolyo sa mga malalaking negosyo na sila lamang ang makinabang aniya may kompetisyon.