Mariing pinabulaanan ng mga house leaders ang alegasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang tinutumbok ngayon ng charter change ay ang term extension.
Ayon kay House Committee on Muslim Affairs Chairman at Lanao del Sur Rep Mohamad Khalid Dimaporo at Assistant Majority Leader Francisco Paolo Ortega ng La Union, 1st District na walang katotohanan ang naging pahayag ng dating Pangulo, dahil malina na nakapokus ang kamara sa pag-amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
Tinukoy ni Dimaporo ang dalawang kambal na resolusyon na kasalukuyang tinatalakay ng Kamara at Senado ang RBH No6 at RBH No,7 na target amyendahan ang economic constitutional provisions sa public utilities, education, at advertising.
Dagdag pa ni Dimaporo na posibleng hindi nasabihan ang dating Pangulo hinggil sa nagpapatuloy na talakayan sa panukalang amyendahan ang economic provisions.
Inihayag naman ni Rep. Ortega na walang pinag-uusapan tungkol sa pulitika lalo na ang term extensions.
Sa isinagawang prayer rally sa Manila, inihayag ni Duterte na nais umano ni PBBM na ma extend ang kaniyang termino.
Nagpahayag ng pangamba si Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr. hinggilsa political repercussions sa pahayag ni Duterte na posibleng magkaroon ng matinding epekto sa ekonomiya ng bansa.
Nagbabala si Haresco na dahil sa pinaghihinalaang kawalang-tatag sa pulitika, ang mga pamumuhunang ito ay maaaring nasa panganib na ngayon, na humahantong sa isang potensyal na pagsuspinde ng mga foreign direct investments sa Pilipinas.