Target ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na mapaimbestigahan ang P10.3 billion na “savings” ng pamahalaan na dapat sana ay para sa COVID-19 pandemic response pero ginamit para mapondohan ang mga infrastructure projects.
Ang tinutukoy ni Rodriguez ay ang napaulat na P10.3 billion “savings” mula sa mga discontinued projects na para sana sa COVID-19 response pero nailipat sa DPWH na kinuwestiyon ni dating Bayan Muna party-list Rep. Neri Colmenares.
Sinabi ni Rodriguez na sa oras na makuha niya ang lahat ng mga kinakailangan niyang impormasyon, saka na lamang daw siya maghahain ng resolusyon.
Iginiit ng kongresista na sa panahon ng pandemya, hindi sa infrastructure projects aniya dapat inilalagay ang savings sapagkat nangangailangan ngayon ng mas marami pang medical supplies, testing kits, face shields, face masks, at PPEs.
Maari rin sanang magamit ang savings na ito sa ayuda na ibibigay sa mga Pilipino na apketado ng nagpapatuloy na pandemya.