-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si House Deputy Speaker Henry Oaminal.
Kinumpirma ito ni Mayor Sancho “Ando” Oaminal ng Ozamiz City sa kanyang Facebook page.
Sa naturang post, sinabi nito na 14 na araw naka-lockdown ang bahay ng kanyang ama bilang pagsunod na rin sa umiiral na protocols.
Nagpapatuloy na rin aniya ang contact tracing sa mga nakahalubilo ngkanyang ama.
Huling nag negatibo sa COVID-19 test ang kongresista noong Biyernes, May 14.
Magugunita na Mayo 4 nang mabakunahan kontra COVID-19 ang nakatatandang Oaminal.