-- Advertisements --
co

Tinitingnan ng mga opisyal ng House of Representatives na ang mga ipon ng gobyerno at iba pang pagkukunan ng pagpopondo bilang isang posibleng paraan upang palakasin ang pension funds ng militar at uniformed personnel (MUP).

Ito ang inihyag ni House Appropriations Chairman at Ako Bicol Party List Rep. Elizaldy Co.

Sinabi ni Co sa isang pahayag na bago pa man isumite ng executive department ang panukalang 2024 national budget sa Kongreso, siya at ang iba pang opisyal ng Kamara ay inatasan na ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na suriin kung saan maaaring kunin ang pondo.

Batay sa pagtaya ng House of Representatives, mangangailangan ng P3.6 trillion para sa susunod na tatlompung taon para maresolba ang isyu sa pensyon ng MUP dahil sa backlog at dumaraming bilang ng retirees.

Ipinunto rin ni Co na dapat tingnan ang MUP pension bilang isang installment at hindi isang bagsakang gastos.

Isa rin sa tinitingnan ng mambabatas ay ang pag-atang ng pangangasiwa ng naturang pension fund sa GSIS.

Sinabi ni Co matapos ipahayag ng kanyang kapwa Bicolano, si House Committee on ways and means chairperson at Albay 2nd District Rep. Joey Salceda na bago ang ikalawang State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inatasan silang maghanap ng solusyon sa nababahala ang MUP pension fund.

Matatandaang nagbabala si Finance Secretary Benjamin Diokno na ang paglobo ng mga pensyon ay maaaring humantong sa pagbagsak ng pananalapi ng nasabing pondo na nag-udyok kay Pangulong Marcos na hilingin sa mga economic managers na lutasin ang isyu.