-- Advertisements --

Isang panalo na lamang ang kailangan ng Magnolia Hotshots para makapasok sa semifinals ng 2022 PBA Philippine Cup.

Tinalo kasi nil aang NLEX Road Warriors 98-89 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.

Nakuha ng Hotshots ang unang panalo sa best of three quarterfinals.

Nanguna sa panalo ng Hotshots si Mark Barroca na nagtala ng 24 points at mayroong tig 13 points sina Paul Lee at Calvin Abueva.

Mula sa simula ng laro ay hawak na ng Hotshots ang kalamangan at hindi na nila ito binitawan.