-- Advertisements --

Tinambakan ng host country na Australia ang Gilas Pilipinas women 105-34 sa pagsisimula ng 2023 Womens’ Asia Cup Division A sa Quaycenter sa Sydney.

Sa simula pa lamang ng laro ay umarangkada na agad ang Australia kung saan natapos ang first half sa score na 56-23.

Nasayang nag nagawang 18 points ni Vanessa de Jesus ang guard ng Gilas women na siyang nabantayan ng mga matatangkad na mga Australian players.

Susubukan ng Gilas Women na makabawi kung saan ang susunod na makakaharap nila ay ang Japan sa oras ng alas-3 ng hapon sa Martes habang makakaharap nila ang Chinese Taipei sa Miyerkules ng alas-5:30 ng hapon.

Tanging ang pangunahing koponan kasi sa bawat grupo ang makakapasok sa semifinals.

Ang walong koponan naman na may mataas na ranking ay siyang tiyak ng makakapasok sa 2024 Paris Olympics.