-- Advertisements --
Nananawagan ng tulong matapos na ilagay sa lockdown ang Hospicio de San Jose Orphanage sa lungsod ng Maynila.
Nagpositibo kasi sa COVID-19 ang 14 na staff members at apat na elders.
Isang elders na rin ang namatay matapos dapuan ng virus.
Dahil sa pangyayari hindi na pinapayagan ang mga nasa Hospicio na lumabas sa Isa Convalencencia para bumili ng mga supplies at mga basic goods.
Ilan sa mga panawagan nila ay kung maari ay magdonate ng mga diapers at gatas para sa mga inaalagan nilang sanggol at mga mayroong edad na.