Sanib-puwersa sina Rodney Hood na kumamada ng 27 points, at si Jusuf Nurkic na nagpasabog ng 26 points at 15 rebounds upang bumida sa 118-108 pagtumba ng Portland Trail Blazers sa Charlotte Hornets.

Umasiste rin si Damian Lillard na humataw sa kanyang 23 points upang angkinin ng Blazers ang ikaanim na panalo sa pitong laro.

Sa hanay naman ng Hornets, pumoste ng 23 points si Jeremy Lamb, habang mayroong 18 points at season-high 12 assists si Kemba Walker.

Nagawa ring malimitahan ng Blazers si Walker sa 5-of-21 shooting.

Sa Miyerkules, bibisita sa Memphis ang Blazers (39-24).

Samantalang makakasagupa naman ng Charlotte (29-34) ang Miami Heat sa Huwebes.