-- Advertisements --
Hong Kong leader John Lee

Nagpositibo sa COVID-19 ang Hong Kong leader na si John Lee sa kanyang pagbabalik mula sa isang Asia-Pacific summit.

Ito ay ilang araw pagkatapos niyang makapulong si Chinese President Xi Jinping at iba pang mga pinuno ng estado.

Bumisita si Lee sa Bangkok na kabisera ng Thailand noong nakaraang linggo upang dumalo sa isang pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) forum, kasama ng kanyang tanggapan na nagsasabing negatibo siya sa rapid antigen test sa loob ng apat na araw na naroon siya.

Sa inilabas na pahayag ng government ng Hongkong, kasalukuyang sumailalim ngayon ang Chief Executive sa quarantine alinsunod sa mga alituntuning ibinigay ng Center for Health Protection.

Ang APEC summit ay ang unang overseas trip ni Lee mula nang magsimula ang pandemya halos tatlong taon na ang nakalilipas, gayundin ang una niya mula nang maupo bilang punong ehekutibo ng Hong Kong noong Hulyo.

Nakipagpulong si Lee kay Chinese President Xi Jinping, Thai Prime Minister Prayut Chan-o-cha, Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong, Indonesian President Joko Widodo, Vietnamese President Nguyen Phuc at ilang iba pang matataas na opisyal sa forum.

Sa informal summit ng mga pinuno noong Biyernes, umupo si Lee sa pagitan nina Xi at Widodo, na walang facemask ang tatlo.