-- Advertisements --
Hong Kong Police
HK Police

Sinuspinde ng Hong Kong police ang halos $9 million na nalikom ng mga aktibista upang suportahan ang mga anti-government protesters habang apat naman ang kanilang inaresto dahil sa money laundering.

Hinala ng mga otoridad na gagamitin umano ang nasabing pondo para sa pansariling kagustuhan ng mga raliyista at para na rin daw magsagawa ng mga iligal na aktibidad.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, daan-daang menor-de-edad umano ang binabayaran ng mga raliyista sa pamamagitan ng fundraising platform na Spark Alliance HK para sumali sa kilos-protesta.

Ayon kay acting senior superintendent Chan-Wai-kei ng Narcotics Bureau’s financial investigation unit, apat na kabataan ang kanilang nahuli mula sa isinagawang raid noong Huwebes.

Binuo noong 2016 Mong Kok riot ang Spark Alliance para magbigay tulong sa mga inaresto o nakakulong na aktibista ngunit nitong mga nakaraang buwan di-umano ay ginagamit ng grupo ang kanilanng mga nipon na pera upang gastusin sa kanilang personal insurance products.