-- Advertisements --

NAGA CITY – Umalma ang ilang mga babaeng raliyesta matapos ang huling kilos protesta na naitala sa Central Hong Kong.

Sa ulat ni Bombo international correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong nagreklamo ang ilang kababaihan na kasama sa naturang protesta matapos umanong mabiktima ng sexual harassment ng mga Hong Kong police.

Ayon kay Sadiosa, kumonsulta na sa abogado at humihingi ng tulong sa mga non-profit organizations ang mga biktima na handa raw magpakita ng ebidensya tulad ng larawan at mga videos hinggil sa pangyayari.

Sa ngayon, tahimik at wala pa ring inilalabas na pahayag ang gobyerno hinggil sa mga paratang.