-- Advertisements --
Luluwagan ng Hong Kong ang kanilang ipinatupad na restrictions simula sa Biyernes Setyembre 18.
Ito ay dahil sa wala ng naitalang local transmission ng coronavirus sa unang pagkakataon mula pa noong Hulyo 7.
Sinabi ni Hong Kong Secretary for Food a nd Health Sophia Chan, na kabilang na bubuksan nila ay ang mga bars, swimming pools, theme parks at clubs.
Habang ang mga dine-in services at restaurants ay pinalawig ng hanggang hatinggabi.
Paglilinaw pa rin nito na limitado lamang sa apat na tao ang dapat na magsasama-sama at mandatory pa rin ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar.
Umaabot na kasi sa 4,976 ang kumpirmadong kaso sa Hong Kong na mayroong 101 kaso ng pagkamatay ang naitala.