-- Advertisements --
Walang balak si Hong Kong Chief Executive Carrie Lam na tumakbo ulit sa susunod na halalan.
Sinabi nito na ang nasabing desisyon ay personal at matagal na niya itong plano.
Inabisuhan na rin aniya nito ang China noong nakaraang taon sa annual parliamentary meeting.
Dahil dito tatapusin na niya ang 42 taon sa public service.
Umupo sa puwesto si Lam noong 2017 kung saan isinulong nito ang pagkakaisa ng mga Hong Kong.
Itinuturing din si Lam ang may pinakamababang approval ratings ng mga namuno sa Hong Kong mula ng ipasakamay sila ng Britanya sa China noong 1997.
Gaganapin ang halalan sa buwan ng Mayo kung saan matatapos ang termino nito sa Hunyo 30.