-- Advertisements --

Magpapamigay ang gobyerno ng Hong Kong ng 500,000 na libreng airline tickets para sa mga turista.

Ang nasabing hakbang ay
bilang bahagi ng pagbangon ng kanilang ekonomiya na pinayuko ng mahigit dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa Airport Authority Hong Kong na ang kalahating milyon tickets na nagkakahalaga ng nasa $254.8 milyon ay mapupunta sa mga bisita sa buong mundo kasama na rin ang mga residente doon.

Noong 2020 pa kasi ay nabili na nila ang tickets mula sa airline companies na nasa Hong Kong bilang relief package sa pagsuporta sa aviation industry.

Iaanunsiyo nila sa mga susunod na araw ang ibang mga detalye.

Magugunitang niluwagan an ng Hong Kong ang kanilang travel restrictions para makabangon na sila sa kanilang ekonomiya.