-- Advertisements --

Tuluyan ng pinagbawalan ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpapalabas ng Hollywood film na “Uncharted”.

Kasunod ito sa pagpapakita sa pelikula ng mapa ng West Philippine Sea.

Bukod sa Pilipinas ay nagbawal din ang Vietnam na ipalabas ang nasabing pelikula na gawa ng Sony Pictures.

Ang nasabing action movie ay pinagbibidahan ni Tom Holland at Mark Wahlberg.

Unang inilabas ito sa Pilipinas nitong Pebrero 23.

Ayon sa Department of Foreign Affairs na makikita sa dalawang segundo ng pelikula ang imahe ng tinatawag na nine-dash line isa sa mga lugar na inaagaw ng bansang China.

Lumalabag aniya ang nasabing pelikula sa kanilang national interest.

Ang U-shaped line ay ginamit sa mapa ng China na nagpapakita ng maritime territory sa rehiyon ng Taiwan, Vietnam, Brunei, Malaysia at Pilipinas.

Magugunitang noong 2019 na rin ay hindi na rin pinayagan ng DFA ang pagpapalabas ng pelikulang “Abdominable” matapos ang pagpapakita rin ng nine-dash line.

Nauna rito naglabas ng desisyon ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague na walang ebidensiya na pag-aari ng China ang kinakamkam nilang bahagi ng West Philippine Sea.