Hinangaan ng kaniyang fans ang pagkanta ng actress na si Brie Larson dahil sa pagkanta nito.

Sa kaniyang social media account ay nagpost kasi ang “Captain Marvel” star ng pagkanta niya ng “The 1” ni Taylor Swift.

Sinabayan pa nito ng paggitara ang kaniyang pagkanta.

Matapos kasi ang halos isang oras ay pumalo na sa mahigit 50,000 ang nag-view.

Magugunitang nong Hulyo 24 ay inilabas ni Taylor Swift ang kaniyang bagong album na pinangunahan ng music video na “cardigan”.