Naghain ng guilty plea ang Hollywood actress na si Allison Mack patungkol sa mga alegasyon na konektado ito sa sex trafficking.

Sa inilabas na pahayag ng aktres, inamin nito na totoong nagre-recruit siya ng mga babae ngunit sinasabi nito na isasali sila sa isang mentorship group.

-- Advertisement --

Si Mack ay isa sa anim na suspek na kumakaharap ngayon sa criminal charges at maaaring makulong sa loob ng 20 taon. Ang aktres ay sumikat sa US television series na Smallville.

Ayon sa mga prosecutors, ang sistemna ng pyramid scheme na ito ay oobligahin ang mga myembro na magbayad ng libo-libong dolyar para tumaas sa kanilang rango.

Isang nagngangalang Keith Raniere naman ang di-umano’y pinakamataas at nag-iisang lalaki sa nasabing samahan.

Lumabas din sa imbestigasyon na ang mga babaeng recruit di-umano ay uutusang makipagtalik kay Rainire bilang parte raw ng “slave and master system.”

Dagdag pa ni Mack, inutusan umano siya ni Rainiere na kumolekta ng maseselang imahe imahe ng mga kababaihan na kasapi sa grupo at tinakot umano ang mga ito na isasapubliko ang mga larawan kapag nagbigay impormasyon sa publiko tungkol sa kanilang sikretong grupo.