-- Advertisements --
Pansamantalang titigil muna sa pag-promote ng kaniyang mga pelikula ang actor na si Jonah Hill.
Ito ay para matugunan ang nararanasang anxiety attacks.
Ayon sa 38-anyos na actor na nais niyang pagtuunan ng pansin ang kaniyang mental health at ang impact nito sa kaniyang trabaho.
Aabot aniya sa 20 taon ng nakakaranas ng anxiety attacks kaya nais nitong harapin.
Magugunitang ilang mga Hollywood stars ang tumigil muna sa paggamit ng social media dahil sa mental health problems.