-- Advertisements --

Umabot sa dalawang pampasaherong tren ang nagbanggaan malapit sa Bialosliwie sa kanlurang bahagi ng Poland.

Nabatid na dalawang katao ang nasugatan sa insidente.

Ayon kay fire brigade spokesperson Pawel Rykowski, ang isa sa mga tren ay bumiyahe mula Kolobrzeg patungong Warsaw East Station, habang ang isa naman ay mula Pila patungong Bydgoszcz.

Nangyari ang banggaan bandang alas-6:04 ng gabi (oras sa Poland) sa Bialosliwie.

Tinatayang nasa 200 pasahero ang sakay ng dalawang tren nang mangyari ang aksidente.

Sa mga video na kumalat sa social media, makikitang nakatayo ang mga pasahero sa tabi ng riles habang ang ilang bagon ay nadiskaril dahil sa banggaan.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng aksidente.