-- Advertisements --

Pupunta sa Rome, Italy si Cebu Archbishop Alberto “Abet” Uy upang tanggapin ang pallium mula kay Pope Leo XIV sa isang ceremony sa St. Peter’s Basilica sa Hunyo 29, 2026.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Archbishop Uy na ang pallium ay isang sagradong vestment na isinusuot ng Santo Papa at mga metropolitan archbishops bilang simbolo ng pagiging “Good Shepherd” at ng kanilang pakikiisa sa Santo Papa at sa buong Simbahang Katolika.

Gaganapin ang seremonya kasabay ng feast of the Solemnity nina St. Saint Peter at St. Paul, at dadaluhan ng iba pang bagong talagang metropolitan archbishops mula sa iba’t ibang bansa.

Humingi rin ng panalangin ang arsobispo para sa kaniyang ligtas na paglalakbay at ng kaniyang mga kasamahan, habang isasagawa nila ang kanilang tungkulin bilang mga pastol ng Simbahan.

Dating obispo ng Tagbilaran, Bohol si Archbishop Uy bago siya itinalaga bilang pinuno ng Archdiocese of Cebu, kapalit ni Archbishop Jose Palma na nagretiro sa edad na 75.

Siya ang ikalimang arsobispo ng Cebu, na may mahigit 170 parokya.

Ayon pa sa arsobispo, mananatili siya sa Europa ng ilang araw para sa pilgrimage sa iba’t ibang banal na lugar at ipinangako niyang isasama sa panalangin ang kaniyang nasasakupan.