Nabili ng Hollywood actor na si Dwayne “The Rock” Johnson ang isang football league.

Kasama nito si Gerry Cardinale ng RedBird Capital at nag-invest ng tig-$7.5 million.

Isinagawa ang pagbili ilang oras bago mapunta sa auction ang nasabing liga.

Sinabi nito na ang nasabing pagbili niya ng XFL ay isang maituturing niyang investment ng kaniyang buhay.

Nais niyang gumawa ng mga special players para sa mga football fans.

Magugunitang naghain ng bankruptcy ang XFL noong Abril matapos matigil ang mga operasyon dahil sa COVID-19 pandemic.