-- Advertisements --

Umaasa ang mga hog farmers sa bansa na mabigyan na ng greenlight o aprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang African Swine Fever (ASF) vaccine na malaking tulong sa nasabing sektor.

Ang ASF ay isang nakamamatay na sa sakit na pumapatay sa mga alagang baboy.

Kalahati ng hog population sa Pilipinas ay naapektuhan ng nasabing sakit.

Ayon kay Dr. Niño Bagui, Assistant Vice President of Soro-soro Ibaba Development Cooperative isa sa pinakalaking hog farm cooperatives sa bansa na mayruong 67,000 members ang humihiling na bigyan na ng greenlight ang paggamit ng ASF vaccine at gawin na itong available sa merkado.

Sinabi ni Bagui na ang pagbabakuna sa mga baboy ang nakikita nilang long-term solution para protektahan ang nasabing sektor.

Sa ngayon hindi pa nabibigyan ng greenlight ng FDA ang swine fever vaccine ang ASF AVAC LIVE, na manufactured ng AVAC Vietnam at exclusively distributed ng KPP Powers Commodities, Inc.

Ayon naman kay Dr. Maximino Montenegro, isang veterinary consultant na nakiisa sa trials, sinabing ang nasabing bakuna at epektibo at ligtas sa mga baboy.