Reading Time: 1 minute

Suportado ng group ng Health Maintenance Organization (HMO) ang desisyon ng Insurance Commission (IC) sa pagpigil sa Caritas Health Shield Inc. sa pagbenta at pakikipag-transact ng mga bagong HMO dahil sa katiwalian.

Ayon kay Association of Health Maintenance Organization of the Philippines Inc. (AHMOPI) chief Carlos D. Da Silva na bagamat nakakalungkot ang dami ng mga nabiktima ay buo pa rin ang kanilang suporta sa nasabing desisyon ng IC.

Handa rin silang makipagtulungan sa IC para maisayos ang problema.

Base sa reklamong nakarating sa Insurance Commission na may ilang kliyente ang nababawasan ang kanilang mga credit at debit card ng hindi nila nalalaman.

Maghahain naman ng petition si Caritas Health Shield president and chief executive Mariano T. Kapunan sa IC para maibalik sila sa operasyon.