-- Advertisements --

Ipinagtanggol ni Hong Kong Chief Executive Carrie Lam ang kontrobersyal na national security law sa rehiyon maging ang implementation rules ng Article 43.

Nakasaad kasi rito na hindi kailanman sisirain ng bagong batas ang umiiral na “One Country, Two Systems” framework sa Hong Kong bagkus ay magsisilbi pa raw itong safeguard sa katatagan ng teritoryo at karapatan ng bawat mamamayan nito.

Binigyang-diin din ni Lam na layunin ng naturang batas na protektahan ang kalayaan ng Hong Kong at panagutin ang sinomang kriminal na magtatangkang sirain ang national security ng lugar.

Ipinatupad noong Hunyo 30 ang batas na isinulong ng China makaraang ipasa ito ng Standing Committee of the National People’s Congress at isinama sa Annex III ng Basic Law.

Sa ilalim ng Article 43 ay inaatasan nito na pamunuan ng national security of the Police Force katuwang ang Hong Kong authorities ang lahat ng kaso na may kauganayan sa paninira ng reguridad ng rehiyon.