-- Advertisements --

Isasapinal ng Senate leadership at blue ribbon committee ang kanilang magkahiwalay na committee report ukol sa PhilHealth controversy.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, tama lang na naglabas ng hiwalay na ulat ang komite na unang nag-imbestiga sa mga katiwalian sa naturang tanggapan.

Ang committee of the whole kasi ay nakatutok sa execomm at top officials ng PhilHealth, habang nakasentro naman ang blue ribbon sa mga regional vice president na sangkot din sa korapsyon.

Magbibigay ng kopya ng report ang lupon sa Department of Justice (DoJ) at Office of the Ombudsman para pormal na mga kaso.