Bukas ang Malacañang sa suhestiyon ni dating Senate President Franklin Drilon na makialam o mag-intervene na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maayos ang patuloy na tensiyon sa Senado.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na iginagalang ng Pangulo ang mungkahi ni Drilon, ngunit nag-iwan ito ng bukas na katanungan hinggil sa kooperasyon ng ibang mambabatas na sangkot sa gulo.
Tanong naman ni Castro kung uubra ang nasabing suhestiyon kay Senator Alan Cayetano.
Kasalukuyan nang pinag-uusapan sa Palasyo kung magpapatawag ng special session o personal na pupulungin ng Pangulo ang mga senador upang tuluyang maresolba ang tensyon sa Upper Chamber.
Kinumpirma ng Palasyo na kasalukuyan nang pinagmimitingan kung magpapatawag ba ng ‘special session’ o personal na pupulungin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga senador kasunod ng patuloy na sigalot sa Senado.
Tugon ito Castro, nang tanungin ukol sa posibleng hakbang o interbensyon ng Ehekutibo sa kasalukuyang sitwasyon sa Mataas na Kapulungan.
Sinabi ni Castro na, inaasahang maglalabas ng pinal na ulat at mga karagdagang detalye ang Palasyo sa oras na matapos ang pormal na diskusyon hinggil sa kung anong partikular na aksyon ang gagawin ng Pangulo upang matugunan ang usapin sa pagitan ng mga mambabatas.










