Ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang alegasyon ng 18 kargador na nag deliver ito ng maletang pera sa bahay nito sa Ilocos Norte.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, ang naging reaksyon ni Pangulong Marcos Jr. ay kahalintulad sa pinalulutang noon na umano’y nais niya ng isang no election scenario sa 2028, kung saan tinawanan at ipinagkibit-balikat lamang ng pangulo.
Sinabi ni Castro, nginitian lamang ng pangulo ang usaping ito, dahil alam naman ng lahat na walang katotohanan ang mga pinalulutang na impormasyong ito.
Kapansin – pansin rin aniya kung paano idinaos ang pagdinig sa Senado, na tila mayroong nagaganap na coaching sa mga witness, na ipinagbabawal sa korte.
Kung matatandaan, una nang sinabi ng Palasyo na dapat ilabas ng mga ito ang kanilang ebidensya, kasabay ng kanilang paga-akusa, lalo’t nakapadali lamang aniyang mag-bintang, lalo na kung ang layunin ng nagbibintang ay manira o mang-giba ng iba.










