-- Advertisements --

Walang problema sa Malacañang ang panawagan ng mga senador na magkaroon ng karagdagang araw ng special session para sa pagpapatuloy ng pagtalakay ng 2021 proposed national budget.

Magugunitang nananawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Pangulong Rodrigo Duterte ng isa pang special session sa Nobyembre 9 hanggang 13.

Ito ay para umano mabigyang-daan naman ang kanilang hanay ng mas mahaba pang panahon para talakayin ang P4.5 trillion national budget.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, nakikinig ang Malacañang sa mga suhesyong ito.

Wala umanong problema rito lalo’t ang importante lamang naman ay maipasa sa Kamara ang pambansang pondo sa Oktubre 16.