Mas magiging madali na ang proseso ng aplikasyon ng mga healthcare workers na kakailanganin sa paglaban ng COVID-19.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque sa gitna na rin ng target ng pamahalaang mag-hire ng karagdagang 10,000 medical workers na tutulong sa laban ng bansa kontra COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Sec. Roque, maaari nang mag-apply ang mga ito online at mayroon ng kinausap na call center ang pamahalaan na siyang aktibong magre-recruit ng mga health professionals.
Maliban dito, inaasahan din uamno ang pagpasa ng Bayanihan Act II kung saan nakapaloob ang additional benefits para sa mga health workers at kabilang na dito ang karagdagang hazard compensation, libreng testing at libreng accommodation.
Kaugnay nito, inihayag ni Sec. Roque na sa kasalukuyan, nasa 5,000 mga health professionals na ang na-hire ng pamahalaan.