-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Sumuko sa mga otoridad ang isang hinihinalang kasapi ng New People’ Army (NPA) sa Tadian, Mountain Province.

Nakilala itong si Ka Noli o K VCO na siyang ika-29 sa Watchlist Personality noong 2014.

Ayon sa mga otoridad, si Ka Noli ay miembro ng Sentro de Grabidad ng Ilocos-Cordillera Regional Committee ng NPA na may operasyon sa Mountain Province, Abra at Ilocos Sur.

Sumuko ito sa mga intelligence operatives sa Tadian at isinuko rin niya ang isang World War II-era caliber, 30 M1 rifle na naglalaman ng walong bala.

Inaasahang makikinabang ito sa mga benepisyong iniaalok sa mga rebeldeng magbabalik loob sa pamahalaan.