-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – “Medyo masalimuot na usapin.”

Ito ang naging reaksyon ng political analyst na si Atty. Michael Henry Yusingco ukol sa panukalang naglalayung palawigin ang termino ng barangay at Sangguniang Kabataan officials na inihahain sa kamara.

Hindi umano magandang baguhin pa ang term of office ngunit hindi pa ito makapagbahagi ng kaniyang opinyon dahil nais muna umano niyang malaman ang dahilan ng mga nagtutulak ng panukala at kung ano ang kanilang mga datos na sumusuporta sa kanilang proposisyon.

Gayunpaman, kinuwestyon ni Yusingco ang motibasyon ng mga nasa likod ng panukala dahil sa halos 42,000 na mga barangay na may iba ibang profile, depende pa kung rural o urban, magkakaiba ang maaaring maging epekto ng panukala sa mga partikular na lugar.

Marahil aniya kung sa mga syudad na naroroon na lahat ng mga resources na kakailanganin nila baka mas madaling maisakatuparan ang naturang panukala dahil aniya, sila ang mas nakakafulfill ng kanilang mga mandates sa ilalim ng local government code at sila rin ang madalas na mababad sa capacity building training.

Samantala napang-iiwanan naman ang mga rural areas lalo na ang mga nasa bulubunduking mga brgy kaya sana ay idaan muna sa puspusang pananaliksik bago iimplementa ang bagay na ito lalo pa’t walang eksaktong impormasyon kung talaga bang nagagawa ng maayos ng mga brgy officials ang kanilang tungkulin dahil magkakaiba ang sitwasyon.