Nilinaw ng Cagayan Provincial Police Office (CPPO) na hindi mga Intsik na mga POGO workers ang sakay ng mga truck at van na bumiyahe mula Metro Manila patungong Sta. Ana, Cagayan kundi mga Filipino kamakailan lamang.
Ito ang inihayag ni Cagayan Police Provincial Office Col. Ariel Quilang matapos mapaulat na umano’y nasa 21 POGO workers ang naibiyahe pa rin palabas ng Maynila sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa Luzon.
Sinabi ni Quilang, ang kanilang naharang nuong isang linggo ay binubuo ng 17 Pinoy na kasama ng may-ari ng Eastern Hawaii Casino ng Cagayan na si Benedict Wong at ang empleyado nitong si Ying Sheng Lee na isang Taiwanese national.
Bitbit aniya ng mga ito ang iba’t ibang supplies at Personal Protective Equipment (PPE) papasok sa nasabing Casino.
Gayunman, tanging ang may-ari lang na si Wong ang pinapasok sa Casino at ipinasasailalim sa 14 days Quarantine, bilang bahagi ng protocol ng IATF EID habang pinabalik ng Maynila si Ying at ang iba pang kasama nito.
Iniimbestigahan na rin ng PNP ang pagkakaroon ng Police Security ni Benedict Wong na sinasabing anak ng tinaguriang ama ng POGO sa Pilipinas na si Kim Wong.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, sakaling mapatunayang may naging paglabag ang mga nabanggit na Pulis sa protocols ng enhanced community quarantine na inilatag ng IATF.