-- Advertisements --
Dogs

Magpapataw na ng multa ang gobyerno ng Capital Territory sa Australia sa mga hindi maglalabas ng kanilang alagang mga aso.

Sa inilabas na bagong batas, may multa ng $2,700 o mahigit na P140,000 sa mga hindi maglalabas at ipapasyal ang kanilang aso kada araw.

Layon ng Animal Welfare Legislation Amendment Bill na patawan ng mabigat na parusa para mapaganda ang animal welfare.

Mas mabigat na parusa rin ang ipapataw sa mga dog-owners na hindi maibigay ang basic needs ng aso gaya ng shelter, pagkain at tubig.