Pilipinas maaaring mapasabak sa giyera kung di na review ang RP-US Mutual Defense Treaty – DND

Inamin ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na posibleng masabak sa giyera ang Pilipinas kung hindi susuriin ang Republic of the Philippines-US Mutual Defense treaty.

Ayon kay Lorenzana, malaki ang tsansang atakihin ng China ang mga barkong pandigma ng Amerika na naglalayag sa West Philippine Sea kung saan ilang teritoryo ang pinag-aagawan.

Nilinaw ng kalihim na wala namang kaaway ang Pilipinas, pero dahil sa mga aktibidad ng kaalyado nitong Estados Unidos ay posible raw na madamay ang estado.

Nauna ng sinabi ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. na sapat na ang binigay katiyaka ni US Secretary of State Michael Pompeo na ipagtatanggol ng Amerika ang Pilipinas kapag ito’y inatake.